How To Save Yourself

Ok.

So tinatanong mo kung papaano magbabago ang buhay mo.

Totoo, ang simula ay laging mahirap. Parang noong nag-aaral ka palang magsulat o kumabisado ng alphabet. Di ba?

Sinong magaakalang kaya mo palang magsulat?

Kaya mong kumabisado ng 26 letters at kaya mong pagdugtong-dugtungin ang mga iyon para makabuo ng salita.

Naaalala mo pa ba kung paano mo ginawa yon? Naalala mo pa ba kung anong hirap ang pinagdaanan mo para lang malaman ang kaibahan ng letter E sa letter A? Kung papaano mo sila napagsama-sama para mabuo ang EAR?

Ako, hindi ko na maalala pero alam kong nakaya ko.

At anong ginawa ko para makayanan ko yun?

Nagsimula ako.

Nagsimula akong bumangon ng maaga, maligo ng malamig na tubig, magbihis ng nakapikit, at kumain ng almusal kahit hindi pa ako gutom.

Nagsimula akong matutong pumasok sa eskuwela. Nagsimula akong makinig at magsumikap.

So, kung tinatanong mo kung papaano mo sisimulang baguhin ang buhay mo, magsimula ka.

Pero paano ka ba magsisimula? Saan?

Meron tayong kanya kanyang batong pinagtapilukan kaya tinatanong mo ang sarili mo ngayon kung paano mo mababago ang buhay mo. Hindi tayo natumba sa magkaparehong kanto. Hindi tayo nahulog sa magkaparehong kanal. Pero palagay ko merong general rule sa lahat ng bagay. Tapos yung mga specifics, nasa saiyo nalang kung papaano mo gagawin. Parang contract. May general conditions na applicable sa lahat. At meron ding specific conditions na between both parties nalang.

General Rule No. 1.

Say YES to the question, ready ka na ba?

Kase kung no pa rin ang sagot mo, well, there’s no point turning point for you.

General Rule No. 2.

MOVE

Problemang pag-ibig? MOVE. Problemang pinansyal? MOVE. Problemang trabaho? MOVE.

Ibig kong sabihin, gumalaw ka wag yung puro ka lang plano. Puro lang bunganga mo pinagagana mo. Gusto mo magkaron ng boypren? Gelpren? O kilos! Mag-ayos ka, lumabas ka, makipag-usap ka. Hindi lalapit sayo ng kusa yan, maraming naghahanap, hindi lang ikaw. Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, latak nalang matitira sayo, bes.

Gusto mong magka-pera? Magtayo ng negosyo? Simulan mo. Hindi yung puro ka lang gusto. Katulad ng gusto mop ala magpapapayat, panay download ka ng mga fitness apps, isang beses ka lang naman nag-jogging. Pathetic ka.

Ayaw mo na sa trabaho mo? Puno ka ba? Nagugat ka na ba jan? Kung hindi pa, maghanap ka na. Wag mong sabihing wala kang mahanap. Marami nang pwedeng pagkakitaan ngayon.

General Rule No. 3

HELP YOURSELF

Tama na ang kakaisip. Tama na ang kakamukmok. Tama na ang kaka-kumpara ng sarili mo sa iba.

Kung ano man ang paraan mo para tulungan ang sarili mo, gawin mo yan. Ikaw lang naman ang makakaalam nun eh. Pero, I suggest, the sooner you start helping yourself para umusad, the better. Sayang ang miles.

Ok lang naman ang malungkot at mapagod, pero kahit kelan, hindi ok ang mag-give up. Laban lang friend. Si Manny Pacquiao nga nagsimula ring gumamit ng sako at sirang sapatos bago nakatikim ng mansion at branded shits. Wag ka lang atat dahil ang tanging magic sa mundo ay ang kakayahan mong magtiwala sa sarili mo. Kase kung isisiksik mo sa utak mong kaya mo ito, the universe will conspire. Or some shit like that.

Advertisements

Be Kind

Image result for kind pictures cute
Image from Google

Sa dami ng stress na bumabalot sa sanlibutan, napakadaling ng magalit kahit kanino.

Kung hindi ka makasakay ng maaga papuntang trabaho o eskwela, ang daling mainis sa mga drivers at ibang commuters na wala namang ginawa kundi magtrabaho lang din at gawin ang pang-araw araw nilang routine. Mabilis din uminit ang ulo mo sa magulang mo tuwing pinaaalalahanan kang huwag kang magpapagabi sa daan o huwag kang pupunta kung saan-saan samantalang nagaalala lang naman sila sa seguridad mo. Madaling sumigaw sa mga kahera at waiters sa fastfood chain o sa coffee shop dahil hindi nila maintindihan ng mabuti ang inoorder mo.

Simple lang gawing default ang pagiging masungit dahil aminin mo man o hindi, nafi-feed nito ang ego mo at nasasatisfy ka kapag nailalabas mo ang galit mo sa ibang tao. 

Pero, ano kayang mangyayari kung hindi mo susubuan ng karagdagang hangin ang ego mo? Papaano kung ikaw ang magaadjust sa lahat ng mga negatibo sa paligid? Anong magiging resulta kung susubukan mong maging chill?

Noong nagretiro ang Papa, binilhan namin sya ng sasakyan para makapag-UBER. Ayaw na sana namin syang pagtrabahuin dahil gusto namin na relax lang sya palagi kaso ayaw nya daw ng laging nakatunganga dahil hindi pa naman daw siya senior citizen. 

Araw-araw lumalabas si Papa. Noong una excited sya kaya mula umaga hanggang gabi nasa labas sya. Naghahabol ng surge. Pagod na pagod yun kapag umuuwi. Lagi nyang sinasabi na ok lang sya, kaya nya magbyahe ng matagal at hindi naman daw daw masyadong nakakapagod dahil malakas ang AC ng sasakyan, hindi mainit. Pero alam kong pinipilit niyang bumyahe para hindi na sya maghihintay ng allowance galing sa amin. Alam nyang kailangan naming unahin ang mga sarili namin.

Meron akong dalawang kapatid na lalaki. Isa ang may pamilya na at nagtatrabaho sa call center. Ang isa naman pinilit na magpatayo ng maliit na kainan. Hanga ako sa dalawang kapatid ko na yon. Yung nagtatrabaho sa call center, pagod laging umuuwi pero nagagawa parin nyang magluto ng pagkain at makipagbungisngisan sa anak nya. Yung isa namang may kainan, kahit amoy barbecue na kakaihaw ng liempo at bangus, pag bumibisita sa bahay, sya pa rin ang nagluluto para sa amin. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. 

Araw-araw iniisip ko kung kumusta sila, kung maganda ba ang takbo ng araw nila. Sa dami ng mga responsibilidad na kailangan nilang gampanan, sana lahat ng taong makasalubong nila ay mga mabubuting tao. 

Madalas nating makalimutan na ang mga taong nakakasalamuha daan ay mga anak, kapatid, magulang, at kaibigan. Mga taong may mga pinagdaraanan din katulad natin. Sa tuwing gusto kong magalit sa ibang tao, parati kong iniisip, paano kung kapatid ko yon? Paano kung pagod na pagod na ang kapatid ko at sa sobrang pagod nya hindi na nya masyadong ma-grasp ang mga bagay bagay kaya nagkakamali sya? Paano kung si Papa yung nasakyan ko at gusto nya lang na makarating ako ng maayos sa pupuntahan ko kaya hindi sya dumaan sa sinabi kong daanan? Hindi ko gugustuhing sigawan at sungitan ang mga mahal ko.


Ilagay mo ang taong sinisigawan mo sa sapatos ng anak, nanay o ng syota mo. Gusto mo bang ginagawa sa kanya ang mga ginagawa mo sa iba? Simple lang naman ang mamuhay ng mapayapa at masaya. Kung kaya lang siguro nating aralin kung papaano kontrolin ang ating emosyon at prenuhan ang bunganga, wala namang damdaming masasaktan at ego na masasaling. Konting enerhiya lang ang kailangan mo para maging mabuting tao at walang mawawala sayo kung matututo kang lawakan ang pagiisip mo. 

Sana sa susunod na gusto mong magalit, huminga ka ng malalim at umasta kang matured. Isipin mo muna, pano kung malaking problema ang pinagdadaanan ng taong ito? Paano kung mas nahihirapan sya kumpara sa ibang tao? Madalas ang kailangan lang natin ay isang mabuting tao para makasurvive sa araw-araw. Sana ikaw ang tao na iyon sa buhay ng iba.

Bring Me Back – A Book Review

Pagkatapos akong paiyakin at patawanin ng Last Days of Rabbit Hayes habang nakasakay sa Uber,  sabi ni Ryan, ‘Basahin mo naman yung American Gods pagkatapos!’ Syempre hindi ko ginawa. Dahil we have the knack of always going against the flow. We are skilled at being a rebel. So instead of reading  American Gods, I opted for a psychological thriller.

Image result for Bring me back by B A Paris

Kabastusan siguro yung pagkatapos mong basahin yung kwento, i-reap ang eyebags, at hindi makausap ng mga kasama mo sa trabaho (at bahay) kakabasa, e hindi mo manlang maalala kung ano yung pangalan ng author. Pero hindi naman yun ang gusto kong pagusapan. Gusto kong pagusapan si B A Paris at ang libro nyang Bring Me Back at kung bakit dapat nakikinig tayo sa mga kaibigan natin pagdating sa book recommendations.

Sabi ni Lee Child, ‘I – for one – am loving it’ daw. Siguro Part 1 lang ang nabasa nya o baka dahil ganon din ang mga authors, parang normal na tao, nagbobolahan din.

Bring Me Back was broken down into 3 parts, part 1, part 2, and part 3. Charot.

Sa totoo lang, maganda ang pagkakasulat sa part 1 ng libro. Nakaka-curious. Kaya sabi ng ibang mga reviews, it is impossible to put this book down. Or something like that. Nagbrowse lang ako ng mga reviews so hindi talaga sya accurate. Nakaka-hook naman talaga dahil ultimo lunch break ko, isinakripisyo ko para lang sa librong ito. I did not, in any way, regret that.

Until I got to the second part.

My excitement went from 100 to 50 when Layla came to view. Parang, syet, alam ko na to. Alam ko na ang mangyayari dito. Kumbaga sa joke, aware na ako sa punchline. Pero dahil nasa part 2 palang ako, why not bigyan ng chance. Nagpapabalik balik pa rin ako sa reviews para i-ignite ang humihinang apoy ng aking eagerness.

Nasubukan mo na bang bumasa ng KJKSnksjdhaouhpwqmLKJSKajsfs \SHSHJSKkdsflk klsdfkjhrwhksdfaj ihkjhas,dgf 3024tj klwrakjfgkay4tn oitu468asnkaj iahkg lkgnwoih oiehfns WLIEKFN L GWKJSDFS gkjdfkgdm 654? O yung dumausdos ka sa putikan tapos hindi mo na alam yung mga sinasabi mo dahil sa gulat? Ganon yung kalagitnaan ng second part. Tapos nalito na ako kung sino ba si Harry, si Tony, yung relevance ng pagkamatay ng matanda na nagaayos ng garden, yung Russian Doll, ni Peggy, ni Ruby at kung bakit bacon and bread ang binili ni Finn sa tindahan. Nagskip ba ako? Nawala ba ako sa focus? That, I will never be able to answer dahil ayaw ko na ulit basahin yun. Para akong inaatake ng anxiety.

Pagdating sa part 3, hindi ko alam kung may lakad ba si B A Paris at yung editor nya pero talagang nawala na ako sa mundo ng mga characters. Parang hindi ko na sila kilala. Alam ko na rin ang twist at alam ko nang walang patutunguhan ang istorya, parang itong book review wanna-be na ito.

Conclusion:

Bring Me Back could have been better if the characters and the events were well-introduced and developed. The scenes could have been more established if the author isn’t in such a hurry. Hindi naging vivid ang scenes ni Ate sa imagination. It was supposed to leave the audiences with a feeling like…

Image result for feeling after reading a book

Hinanap ko yung ‘UMPH’ until the very end. Hindi na-achieve ni Ate B A yun.

Rating:

Image result for 2 stars

What Scares Me

Ako: Magtakutan tayo sa Halloween

Housemate: Wala namang nakakatakot na palabas sa internet eh

A: Gusto mo yung nakakatakot talaga?

H: Syempre!

A: Bayad sa bahay…

A: Padala sa Pilipinas…

A: Bayad sa utang…

Habang excited ang mga batang mangolekta ng candy, hindi magkanda-ugaga ang mga magulang sa pagbili/panghihiram ng costume, at busy ang mga malalandi sa paghahanap ng skimpy and sexy costume para sa Halloween party, eto kaming mga OFW sa Middle East, matutulog ng maaga dahil may pasok pa bukas.

Hindi ko nakaugaliang magcelebrate ng Halloween na nagsusuot ng costume pero nakaugalian na naming manood ng nakakatakot (na pelikula) pag malapit na ang Undas. Sa dami ng napanood kong horror movies, nahihirapan na akong maghanap ng pelikulang hindi magpapatulog sa akin sa gabi.

Noong lumaki na ako, narealize kong may mas nakakatakot pa pala sa horror movies.

Yun ay responsibilities.

Mahirap maging adult lalo na kung magpapasan ka ng responsibilidad sa buhay. Kaya siguro maraming mga single, mga nakikipaghiwalay, mga nang-iiwan, at mga pinipili nalang tumambay sa bahay at makikain habambuhay sa hain ng nanay nila. Pero, habang tumatagal, narealize ko (na naman) na may MAS nakakatakot pa sa responsibilities, due bills, at falling in love.

Yun ay comparison.

Noong sinabi kong gusto ko nang lumaki, I take that back. Nakakatakot lumaki. Nagkakaroon na kase ng bearing ang pagkukumpara sayo ng nanay mo sa mga pinsan mo at sa iba mong mga kapatid. Yung dating isinasantabi mo lang na mga comments ng ibang tao sa looks at achievements mo, mararamdaman mo ang impact kapag malaki ka na. Natutunan mo ang totoong kahulugan ng “nasasaling ang ego”. Nagsisimulang umusbong ang anxiety at depression. At kahit ano pang langoy ang gawin mo para makaahon ka sa lungkot, mahihirapan kang makaahon. Depende nalang kung pipilitin mong ungusan ang mga kumpetensya mo. At all this time akala mo magiging ok ka kapag mas marami kang lugar na napuntahan, mas maraming naipong happy memories at adventure, may steady income at nakatira sa malaking bahay, magiging angat ka na sa mga taong pinagkukumparahan sayo, boy you’re so wrong. Meron pa rin silang ibabato sayong shits na hindi mo alam kung papaano mo ihahandle. At hinding hindi ka makukuntento sa kung anong meron ka dahil habambuhay mo nalang ikukumpara ang sarili mo sa ibang tao. At dahil laging may comparison sa katauhan ng ibang nilikha ni Lord, hindi mo masasabi sa sarili mo na na-achieve mo na ang goal mo dahil fuck it lagi nalang may mas magaling, mas maganda, mas mayaman, mas maraming adventures, mas masaya, at mas maraming achievements kaysa sayo.

There. I said it.

What scares me most is the fact that I am so prone to comparing myself to someone else. Yes, I acknowledge that fear. And because I am aware of it, I try my best to battle against it. And fuck man I’m getting exhausted.

Madalas wala na akong confidence sa sarili ko dahil natatakot akong mapuna. Natatakot akong maiwan ng mga kasabayan ko. It almost took me a week to write this because I was scared of being criticized. Yung mga ibang kakilala ko kase, they could make rants like these work.

It’s exhausting to put a happy face when deep inside you’re struggling to make peace with who you are. It sucks not to have self-confidence. Kailangan yun eh. Ugat yun ng kakayanan mong ma-achieve ang goals mo eh.

Just a small plea to everyone, be aggressive when it comes to appreciating others. And to all those who are struggling, I am in no position to tell you to stop comparing dahil alam natin pareho na hindi mo yon maaalis sa sistema mo dahil lang sinabi ng ibang tao na wag kang magcompare. Pero sana makayanan mong umiwas sa social media dahil salot yan sa self development mo. Basura yan sa pagsusumikap mong abutin ang mga plano mo para sa sarili mo. Makipagkumpetensya ka pero wag sa ibang tao. Doon nalang sa sarili mo noon, dahil mas matibay ka ngayon.

I-drop mo na ang pang-isstalk kay Marianne at kay Anne.

Wag mo nang ikumpara ang naabot na success ni Kate sayo. Pagbutihan mo nalang ang ginagawa mo.

Wag mo na rin isipin kung mas maraming tatak ang passport ni Cherry at ni Lizcel. O kung magaganda ang selfies ni Hannah at Fatima.

Focus mo muna ang spotlight sayo. Tapos isulat mo sa bucket list mo ang maging totoong masaya.

Related image

The Toxic One

Napatid na ang pisi ko kahapon.

Marami na akong nabasa tungkol sa pagle-let go ng mga toxic people sa buhay, pero lagi ko paring tinatanong sa sarili ko, sigurado nga ba akong toxic ang taong ito? O baka naman mayroon lang syang pinagdaraanan at kailangan nya lang ng taong iintindi sa kanya at this point.

Magtatatlong taon ko nang kasama sa  bahay si Ate (itago nalang natin sa pangalang) Janet. Mabait naman sya, sa totoo lang. Mapagbigay kung mayroon. Magaling makisama, ma-PR nga sabi ng iba. Naghuhugas ng mga naiwang plato sa lababo kapag naghuhugas sya, nagsasabi kapag may darating na bisita, nakikipagkwentuhan kapag nasa kusina. Minsan pinagluluto nya kami ng kung anong maisip nya. Minsan naman, nagiiwan ng mga biskuwit o tinapay sa lamesa para sa kung sinong may gusto.

Kaya lang…

Naniniwala akong lahat ng mga tao ay mabuti. Maaaring may naguudyok lang sa kanila para gumawa ng hindi maganda kaya sila nagkakasala. Kaya lang, hindi naman ako bobo para malaman na may hangganan ang panlalamang sa kapwa. Hindi porke’t mayroon kang pinagdaraanang mabigat, kailangan mo na ring idamay ang lahat ng tao sa paligid mo.

Medyo ganon si Ate.

Mahilig syang manlamang ng kapwa. Mahilig syang magpaawa para makapag-create ng empathy towards her. Magaling din syang mangulit para makuha ang gusto nya. And this is taking a toll on every single person living in our house.

Madalas naming pagusapan ng mga housemates si Ate. Sa sobrang dalas, alam na namin na isa isa nya kaming nautangan at hindi pa sya buo sa bayad sa kahit na sino sa amin. Ultimo yung mga umalis na, nautangan din nya. At syempre hindi pa rin sya kumpleto ng bayad doon. Hindi lang kami isang beses inutangan. Maraming beses. Paunti-unti. Bente, isang daan, pabayad muna ng inorder nya babayaran nalang nya pagdating ng asawa nya, pahiram muna ng trenta pamasahe sa taxi, ibibigay ko nalang sayo mamaya yung kulang sa bayad sa bahay kase hindi pa dumadating ang asawa ko, pahiram muna ng sampu ibabayad nya sa nagdeliver ng tubig dahil wala syang barya. Those kinds of shit.

I would also get calls from my housemates, madalas na nagrereklamo. Nawawala ang corned beef, sardinas, itlog, nauubos ang sabong panlaba, isang beses lang nag-fabcon ng nilabhan, kalahati nalang kaagad. Nauubos ang shampoo, hindi naglilinis ng banyo, nawawalan ng sibuyas, bawang, luya, kape, at bigas. Alam namin na si Ate ang salarin dahil nahuli na namin sya ng ilang beses. In the act. Kaya lahat ng mga gamit naming panluto o panglaba na dapat sana e nasa kusina, nandon lahat nagsisiksikan sa kwarto.

Pero papaano kung kailangan nya lang talaga ng mga basic needs na ito at wala syang pambili? Dapat  ba kaming magdamot? Dapat ba namin syang pagbigyan at intindihin?

Pero napatid na ang pisi ko kahapon.

Umpisa palang na lumipat sya sa bahay, inabisuhan na namin sya at ang asawa nya na huwag na huwag isasaalang-alang ang bayad sa bahay. Una, hindi namin ninenegosyo ang pagpapaupa. Pangalawa, lahat kami nagbabayad ng sari-sariling upa kaya hindi pwede ang may tumawad sa deadline. Pangatlo, matatalbugan kami ng cheke at pag nangyari yun, hindi ako makakakuha ng panibagong cheke para ibigay sa bahay. Asingko ang date ng cheke namin. Wala akong pera. Mauubos na ang pangkain namin. Sira ang sasakyan at mauubos na ang pamasahe ko. Asingko na, wala pa ring pambayad si Ate.

Sa totoo lang, sinu-sino pa ba naman ang magtutulungan kundi kami-kami. Para na kaming pamilya. Pero hindi unang beses na ginawa ni Ate ito.

Every. Fucking. Month.

Every fucking month sya nangungutang ng pambayad nya sa renta. Sa tatlong taong pagtira nya sa bahay, 36 months na syang nangungutang kung kani-kanino para punan ang renta nya sa bahay. Every fucking month din nya akong iniistress kung papaano ko pupunan ang kulang nya, ganon din na every fucking month nyang pinipilit ang mga kasama ko sa bahay na maglabas ng pera, mangutang sa mga kakilala, o magsanla ng passport/ID para makahiram sya sa 5-6. Lahat ng iyan habang wala pang katapusan nakukuha na ng asawa nya ang sahod nya sa trabaho. Alam ko, dahil sinabi nya iyon sa amin noon. Mabuti nalang nga daw na maaga nakakasahod ang Kuya. May trabaho din si Ate na hindi ko alam kung joke lang ba o pinasasahod talaga sya.

Sa totoo lang, sa dami ng rants na pwede kong ikwento dito, iisa lang lang naman ang patutunguhan. Ang mag-desisyon kung ile-let go na sila Ate o bibigyan pa sila ng pagkakataon. Sa parte ko, mahirap magdesisyon lalo na kung nagmamakaawa si Ate na wag na muna paupahan sa iba ang kwarto nila. Kumportable na daw kasi sila at ayaw ng asawa nyang lumipat. Pero mas marami kaming nahihirapan sa ganyan nilang istilo.

Nakakapagod mag-keep ng toxic person. Lalo na’t alam namin na self-inflicted ang mga problema nya sa pera at pang-“hihiram” ng mga gamit namin, in kinds. Nakakairita na ang paulit-ulit nyang litanya sa amin. At sa totoo lang, nakakadala na ang patuloy nyang paghila sa aura ang bahay. Panay-panay tuloy ang sindi namin ng insenso.

Sa usapin ng pagtanggal ng mga toxic person sa buhay, iisa lang naman ang may kontrol, ang sarili mo. Kailan ka magdedesisyon na lumayo, putulin ang kung ano mang kuneksyon nyo sa isa’t isa, at panindigan ang desisyon na iyon. Sa kaso ni Ate at ng buong sangkabahayan, this case should be dismissed. ASAP.

Extraordinarily Ordinary

Why is it so hard to find a scissor when you need it but pops up everywhere if you don’t? Scissors are never where we left it once we need it. I remember my mom saying, talk to the scissors, it will show up. And I will find myself asking where the hell it is.

It actually sounds familiar; things disappearing when we need it and shows up when we don’t. Like, people we get used to taking for granted and suddenly, they are out of grasp.

Isn’t it easy to set aside people who we once needed, adored, and loved simply because we know that they are just there?

Just there.

We get used to them being around that we forget how important they are. We get so settled, so confident that they will always be there waiting for us whenever we need them. Don’t wait for the moment that once you do, they won’t be there, even if you find yourself asking where the hell they are.

 

Writing Prompt

Bakit Blue ang English ng Asul?

Kung kailan akala mo’y dadaloy ng matiwasay ang mga salita patungo sa mga daliri, saka naman magsisimulang makawala iyon sa isip.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Madalas para silang mga bala na isa isang tumatama sa isip ko. Sari saring mga pangungusap, tanong, at ideya pero walang iisang kahihinatnan. Halo-halo lang. Kahit pilitin ko silang pagtagpi-tagpiin, hindi sila bumubuo ng isang ideya.

Watak-watak.

Parang mga batang iniwan ng mga magulang sa playground. Kanya kanyang takbo. Kanya kanyang laro.

Masakit sa ulo kapag marami kang gustong sabihin pero hindi mo naman kayang simulan. Mga tanong na gusto mong masagot pero parang tinatangay ng hangin.

****

Ano na ba yung kakasabi ko lang kanina?

Bakit hindi ko na maalala?

Bakit hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ng babae sa may itim na antipara?

Kanina naiisip ko lang gumawa ng isang kwento. Pero hindi pa ako nagsisimulang tumipa, hindi ko na mawari kung sino ang pangunahing tauhan ng kwento ko. Paano ako magpapatuloy?

Kanina ang dami kong gustong gawin, manood ng dokyumentaryo, magbasa ng libro.  Pagusapan ang panaginip ko na unti-unti nang naglalaho. Dahan-dahang dinadala ng mga kamay ng orasan ang mga kilos ni Decer Jan. Sya yung classmate ko nung highschool na nakikitawid sa panaginip ko. May portal kase ata sa kwarto.

Ang sakit nang ulo ko. Parang may maliliit na karayom sa magkabilang sintido. Mabigat na rin ang mata ko kakatitig sa gumagalaw na puting background ng computer na ito.

****

Hindi parin sapat. Hindi pa naibubuhos lahat. Walang nababawasan sa halo-halong salita na nagliliparan sa loob ng isipan.

Siksikan.

Image may contain: drawing

 

 

Happy Ending V 2.0

Simula nang lumabas yung Kita Kita, nauso na yung mga pelikula na laging hindi nagkakatuluyan yung mga bida. Yung laging iiwanan ang mga audience ng panghihinayang, sakit sa puso, at luha.

Natutunan na nating tangkilikin ang mga pelikulang sad ending dahil unconsciously, masarap yung paminsanang kurot sa puso. Marami ang parang kinakalikot ang tumbong dahil relate na relate sa mga pelikulang ganoon. Pinatutunayan lang siguro na sa mas marami ang nasasaktan kaysa sa nagmamahalan. Sad ending.

Pero sad nga ba talaga?

Nagkakwentuhan kami ng isa kong kaibigan dahil pagkatapos niyang panoorin ang 100 Tula Para kay Stella at Meet me in St. Gallen, inirekomenda kong panoorin nya naman ang 12 at Mr. and Mrs. Cruz. Palagay ko, isa sya sa mga masokista na gustong gustong nakakaramdam ng pananakit ng dibdib dahil isa rin sya sa mga nakakarelate dun sa pelikula. Ang “intense” daw kasi. Hindi nya kinaya.

Nasan na daw ba yung mga pelikula na happy ang ending. Yung nagkakatuluyan, hindi yung puro panghihinayang. Tinanong ko ang sarili ko, malungkot nga ba talaga pag hindi nagkakatuluyan?

Malungkot naman talaga ang break-up. Marami nga namang tanong ang kaakibat pag hindi kayo nagkatuluyan ng past jowa mo, lalong lalo na kapag matagal na kayo at mahal na mahal mo sya ng buong puso. Iyon nga lang, sa huli, magisa ka nalang palang nagmamahal. Malungkot din iyong mahal na mahal ninyo ang isa’t isa, nagko-conspire ang universe para pagisahin kayong dalawa pero ang kalaban nyo naman ay timing. Masakit, masaklap, nakakapanghina ng mga kalamnan. Pero sad ending bang matatawag iyon?

Sad ending lang naman kung hindi ka na magpapatuloy magmahal eh. Kung baga, hindi man ngayon, soon enough, makikita mo rin na ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay isa palang blessing in disguise. Na ang pagtanggi ng timing at pang-aabala ng destiny sa pagmamahalan ninyo ay magdudulot pala ng isang mas magandang love story sa huli.

Hindi naman talaga sad ending ang mga pelikulang iyon. Kung titignan mo sa ibang anggulo, ito ay kwento ng bagong pag-asa, ng bagong buhay, at bagong simula. Dahil wala namang new beginnings na malungkot.

Image result for sad ending new beginning

Huwag Mong Ikumpara ang Sarili Mo sa Kendi

“Kung may dalawang kendi na malalaglag sa lupa, alin ang pupulutin mo? Yung may balot o yung wala?”

*****

Kung pag-uusapan ang kultura, tradisyon, at modernisasyon, hindi talaga mawawala ang usapang relihiyon. Kung nasaan ako, parang tubig at langis na pilit pinaghahalo ang moderno at ang tradisyonal. Sa panlabas na anyo, kilala ang lugar na ito bilang konserbatibo. Pero ano kaya ang makikita mo kapag sumilip ka sa butas ng bayang ito?

*****

Ang usapang pananamit ng kababaihan sa gitnang silangan ay nauwi sa usapang kendi, isang tanghali habang paakyat kami sa elevator pabalik sa opisina. Sabi ng isa, mas pipiliin nga naman daw nya kung hindi pa “marumi” ang kendi na kakainin nya kahit nalaglag na sa lupa dahil “may balot” naman daw ito. Hindi katulad ng “hubad” na, nakakadiri na daw kainin. Marami nang germs.

Parang may mali.

Tama bang husgahan ka sa panlabas mong anyo?

Kung marami nang parte ng katawan mo ang nakita ng ibang tao,marumi ka na ba? Nakakadiri na ba iyon? Kung nakatago naman ang mga leeg at braso mo at walang umaalpas na buhok sa belong suot mo, malinis ka na nga ba?

Hindi ko alam kung bakit naging basehan ang panlabas na anyo ang kahalagahan ng isang babae. Pero nag-ugat iyon matagal na matagal nang panahon. Hindi mo na siguro mabubunot pa sa lupang pinagtamnan ang konsepto ng moral at imoral sa pamamagitan ng pagpapakita ng balat.

Ang sa akin lang, hindi naman lahat nang nagsusuot ng belo at nagbabalot ng katawan ay malinis. Katulad nang hindi lahat ng nakapekpek shorts ay puta. Mahirap baguhin ang mentalidad ng tao lalo na kung nabahiran na ito ng sari-saring bersyon ng kung ano ang dapat na tinatanggap o hindi. Pero hindi naman siguro mahirap gumamit ng common sense.

*****

“Basta ako pupulutin ko kung ano yung kending mas masarap basta tangina wala pang 5 minutes!”