Dito Ka Ba Nakatira?

Ayaw kong umuwi
Sa maingay na bahay na puno ng mga pekeng tawanan
Mga mapanlinlang na kwentuhan
Para lang punuan ang mga nakabiting katahimikan
Ayaw kong makakita ng mga taong nakamaskara
Mukhang maaayos at nakapintura
Pero tumitira ng pana kapag hindi ka nakatingin
Ayaw ko rin makipagplastikan sa mga
Nagpapakilalang kaibigan
Pero sa huli, unti unti kang sisiraan
Dahil sa inggit na walang dahilan

Ayaw kong umuwi
Doon sa nakakalokong tahanan
Na wala kang mararamdamang kalayaan
Kung saan ang mga makakasalamuha mo
Ay mga nakasimangot na payaso
Mga pusang may pusong leon
Na handang lapain ka kapag hindi ka nakalingon

Ayaw kong umuwi sa mga taong mapagsamantala
Tama na.
Ayaw ko na.

Advertisements

Nepenthe

Your face,
Your smile,
Your stories.

Your hugs,
Your kiss,
Your warmth.

Your encouragements,
Your wisdom,
Your presence.

I’ll endure the day full of misery,
I’ll keep up with the worse,
I’ll be standing amidst the distraught,
If I know I’ll wake up,
To the bliss of your touch,
To the harmony of your breaths,
To the calm of your heart.

If I were to walk in the dark,
I will not be afraid,
I’ll keep head up,
I’ll keep my hopes up,
I’ll walk with anticipation,
And confidence,
If I’ll be certain that in the end,
You’ll be waiting,
With arms ready to wrap
My weary soul.

To this, I should say,
You are my drug.
You are my hope.
You are my pill of happiness.
You are may nepenthe.

****
ne·pen·the [ni-pen-thee] .a drug or drink, or the plant yielding it, mentioned by ancientwriters as having the power to bring forgetfulness of sorrow or trouble. 

Kasabay sa Paglipad ng mga Abo ng Sulat

Sa usbong ng damdaming matagal ng kinikimkim,

Pangungusap na payak subalit kahuluga’y kay lalim,

Ipikit ang mata, isipin ang hangarin,

Tungo sa tunay na nilalaman niyang damdamin.

Dumihan ng emosyon iyang piraso ng kawalan,

Idaan sa paguhit ang iyong pagdaramdam,

Ikumpas ang mga kamay, ang papel ay lapatan,

Kipkip na damdamin at dasal sa kalangitan.

Yari ka na ba, diwa mo’y magaan na?

Kuhanin ang apoy, silaban ang pag-asa,

Makakarating sa langit bawat dasal na nailapat,

Kasabay sa paglipad ng mga abo ng sulat.

Empty

 

Crumpled pieces of ink stained paper sums up all of the words

He wanted to fit in one sentence.

He didn’t realize how frustrating it was to establish a decent paragraph

Especially when his head spins with different ideas and his heart feels

Extraordinary feelings

All at once.

 

****

In response to the DAILY PROMPT