The Happy Pepe Series: Si Ines

Normal lang para sa isang babaeng single ang ma-inlove at maglandi sa opposite sex lalo na kung malapit na syang maiwan ng huling biyahe ng tren… pag malapit ng magsarado ang pintuan ng langit, o kapag nasa bingit na ng kamatayan ang bulaklak.

Puta ang tingin ng karamihan ng mga ibang lahi sa mga Pinay. Masakit mang tanggapin at patuloy mo mang i-deny, given na yan. Kadalasan kasi sa mga Pilipina, madaling ma-fall; yung iba in love, yung iba in lust, pero karamihan sa atin, in gifts. Ganyan tayo e, sanay na sanay tayong manggatas ng ibang lahi.
Mag-iisang taon nang nagta-trabaho dito si Ines. Sa HR sya nakaupo kaya madalas ko siyang makausap, marami kasi akong tinatanong bilang baguhan palang ako. Hindi nagtagal, naging magkaibigan kami ni Ines. Sa aming tatlo na kadalasang magkasama, mas kampante ako na sya ang kasama ko… palagay ko, nagiging masyado na rin syang kampante na ako ang kasama nya.

Sanay akong nakakakita ng mga taong tulala sa trabaho. Minsan dahil sa pagod, sa boredom, o dahil sa mga personal baggage na dinadala hanggang sa trabaho. Para kay Ines, lovelife yun. Pano ko nalaman?

Para sa departamentong kinabibilangan ni Ines, hindi ko akalaing hindi nya kayang kipkipin ang mga bagay na pribado. Masarap din minsan na makipagkaibigan sa mga hindi marunong magtago ng sikreto, marami kang nalalaman kahit hindi ka nagtatanong. Kasama ko si Ines madalas magcommute. Naglalakad kami papunta sa mall dahil doon ang bagsakan ng mga taxi at bus at ang daanan ng iyon ang saksi sa pagbubunyag ni Ines ng mga bagay na ikinatutulala nya sa trabaho.

Mayroon daw syang dalawang katextmate. At first I was like… errrr… but then.
Pareho daw kasing kaopisina namin ang katextmate nya. So I was like WOAH!

Kasabay ng paglantak nya sa Mcdo fries, nasimula siyang magkwento sa akin. Hindi ko na ikukwento kung paano sya “napilitang” magkwento ng mga pangyayari sa buhay nya sa pamamagitan ng:

“Nakakinis kase sila eh”
“Ha?”
“Pagkatapos akong landiin at paasahin. Nakakastress.”
“Ano?”
“Ehhh…”
“Bakit ba?”
“Secret.”
“Ok.”

“Gusto mo fries?”
“Hindi magluto ako sa bahay.”
“Napapastress eating tuloy ako kase yung mga yun e. Wag mong sasabihin sa iba lalo na sa “kabilang group” ng mga babae ah. Mga chismosa yun eh.”

And the rest is history.

Matanda na ang Acting Manager ng kumpanya namin. Kaka-60 lang nya recently at sya ang boylet number 1 ni Ines. Dito rin nagta-trabaho ang pamangkin ng Acting Manager at sya naman ang boylet number 2. Talk about tuhog.

Kaya naman pala laging laman ng usapan naming tatlo ang boylet number 1 at sa tuwing yun ang kwentuhan, parang may pilikmata ng kambing ang pekpek ni Ines sa kilig. I’m not saying na posible yun, I’m not saying rin na hindi. You be the judge.

Kaya naman pala ok lang sa boylet number 1 na magpabalik-balik sa opisina nya si Ines kahit meron namang sekretarya na point of contact.

Itutuloy.


Advertisements

The Happy Pepe Series: Introduction

Pinalad akong makalipat ng trabaho Pebrero nitong taon. Sa totoo lang, hindi ko gusto na maraming babae sa opisina. Una, dahil tumataas ang expectation ng mga nakapaligid sa uri ng pananamit, pagkilos, at kabuuhan ng itsura mo. Hindi naman sa masyado akong apektado pero nakakairita yung pinupuna ang iyong fashion sense. Pangalawa, ayoko talaga sa mga babaeng tunog kiki ang boses. Sumasakit ang ulo pag masyadong mataas ang decibels. Pangatlo, ayokong maging obligadong makipagusap kaya ayoko ng chikahan. Gusto ko lang ng tahimik na buhay.

Sa loob ng opisina, mayroong akong kasamang anim na babae. Anim na babaeng saksakan ng tagal magbanyo at napakalakas ng boses pag nagkukwentuhan sa corridor. Parang isang barangay ng mga boses kiki ang umaalingawngaw sa opisina kapag nagpulong-pulong. Sa totoo lang hindi naman sila ganoon kadalas na naguumpukan; hati kase sa dalawang grupo ang mga babae bago pa ako dumating, Apat vs. dalawa ang labanan, at dahil mahilig akong kumampi sa mga underdogs, apat vs. tatlo na ngayon.
Ang kwento ng Happy Pepe ay hindi tungkol sa unang grupo ng mga babae. Wala silang kinalaman dito.
Sa tumakbong tatlong buwan, hindi ko sinasabing kilala ko na ang mga kasama ko, pero sa tumakbong tatlong buwan na iyon, hindi ko na kayang kimkimin ang lahat ng mga hindi ko inaasahang malaman. Ang utak ko e parang basurahan na sa kusina ninyo. Punong puno na ng mga basurang pinipilit mong ipagsiksikan sa plastic dahil tinatamad ka pang magtapon. Yun nga lang, nagsisimula ng magkatas ang mga nabubulok mong tira-tira.
Humihingi ako ng tawad sa mga pangunahing tauhan sa kwento kong ito dahil hindi ako humingi ng permiso sa inyo upang ilathala ang mga chismis ninyong hindi ninyo napigilang ikwento sa akin…NOT!

REUSABLE PLASTIC

Overpopulated na ang mundo kaya maraming basura ang makikita mo kung saan-saan; sa sahig, sa kalsada, sa dagat. Biodegradable o non-biodegradable, lahat yan nagkalat. Pag lumingon ka sa kanan, meron ding plastic na nakaupo diyan sa silya sa tabi mo.

Yung mga plastic na yan ang totoong sisira sa mundo. Yung mga hindi natutunaw kahit na ilang daang libong taon na ang lumipas. Makakapal ang apog. Parang yung kaibigan mong dikit ng dikit sayo at tinatawag kang Bes. Laging nandiyan pag may problema ka. Isang tawag mo lang, to the rescue na agad. Pero ang hindi mo alam, sa tuwing magpapaalam sya sayo, nagpapaalam na din ang privacy ng buhay mo dahil kung kani-kanino na nya naipasa ang kwento mo. Ang masaklap, may dagdag bawas pa sa kwento, parang yang lecheng gobyerno.

Kung hindi mo pa napansin hanggang ngayon kung sinu-sino sa paligid mo ang non-biodegradable, palagay kong matagal ka nang nagtatanga-tangahan. Posible siguro na sa una, hindi mo mapapansin na unti-unti ka ng natatambakan ng plastic dahil naitatago mo pa sya sa drawer. Magugulat ka nalang, hindi mo na yan maisasarado dahil naguumapaw na pala ang kaplastikan sa buhay mo.

Nanghihinayang kang itapon dahil baka magamit mo pa? Tuturuan kita kung papaano mo magagamit sa mas mabuti yang mga plastic na yan.

Lesson No. 1: Gamitin mong lalagyanan ng basura.

De-clutter. Maglinis ka para umaliwalas ang buhay mo. Tapos ilagay mo lahat ng mga makikita mong basura sa plastic na hindi mo maitapon, para naman magkaroon sila ng silbi. Itali mo ng mabuti bago mo ipakolekta sa basurero baka mamaya matapon ang mga basurang laman ng plastic mo at bumalik nanaman sa buhay mo. Utang na loob. Tigilan mo na yang pagiging gago. Move on na sa mga walang kwenta.

Walang sentimental value ang mga bagay na sumisira sayo. Mabubulok ka lang kasama ng mga tarantadong yan.

It’s Just an Unfortunate Event, Not an Unfortunate Life

Buhay na buhay ang diwa ko, mas maaga pa sa alas-kwatro, kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay.

Dadahan-dahanin ko ang kwento. Masakit pa kasing mag-reminisce lalo na at fresh na fresh pa.

Natumba ako sa tapat ng building ng office namin and I’m 101% sure nakita ako ng lahat ng construction workers na nagtatrabaho sa gilid ng building, ng mga tao sa guard house, ng receptionist at ng paparating na driver which I’m sure natatawa parin hanggang ngayon.

Picture this, a chubby girl wearing high-wedge sandals na dahan-dahan naglalakad sa harapan ng 35-storey building early one morning para pumasok. All of a sudden, bigla nalang dumagundong ang surroundings and there she was, trying her best para magsurvive sa kahihiyan habang tumatayo at ninanamnam ang aftershock ng kalog ng kanyang mga bilbil. good thing she was wearing blue skirt na hindi nagbigay ng hustisya sa muntikan nang pagguho ng kanyang mundo. It was a total mess. Ang tanging pakunswelo lang nya e, hindi natapon ang hawak hawak nyang baunan na may kanin at hotdog na para sana sa lunch.

Food saved.

Dito ko narealize na narating ko na ang peak ng katabaan. Wala ako halos naramdaman na injury dahil sinagip ako ng mga celllulites. Meron naman din pala silang advantages.

Pagdating ko sa office, as most women who had fallen on their butts, would do, I went to the toilet. Para magpagpag ng bad vibes at magbawas ng liquid sa pantog. Kinabahan ako eh. Who wouldn’t? So there I was, doing my thing, when suddenly the door burst open! Talk about series of unfortunate events. Buti nalang naayos ko na ang panty ko at hindi na nakaexpose ang aking butt crack. Nonetheless, my dignity was saved. Meron pa akong ipagmamalaki sa kanila.

It was my fault. Hindi pala kumagat ang lock ng banyo. Pero sa mga ganong sitwasyon, sino ba ang dapat na magsorry? Ako na tangang biktima o yung nagbukas na walang kaalam-alam pero tumawa muna ng tumawa bago isara ang pinto? You be the judge.

 

Unsolicited Everything

Hindi mo kilala si Rafi pero ikukwento ko sya sa iyo.
Physically, si Rafi ay isang typical na “Pana”. Yan ang tawag nila sa mga Indian. Mula sa accent, sa pananamit, hanggang sa amoy, hindi mo mapagkakamalang he’s nothing but a “pana”.
Kasama ko si Rafi sa department. Nakaupo sya sa 10 o’clock ko at lahat ng ginagawa nya ay nakikita sa aking peripheral view; well ok, it depends. Hindi naman ako pumapasok para manmanan ang mga ginagawa ni Rafi sa trabaho. Ang totoo, hindi naman ang mga kilos ni Rafi ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Yun e yung pagiging mapanabat nya sa mga usapan.
Iritable talaga ako sa mga tao na bigla nalang nagbibigay ng mga sarili nilang kuro-kuro na walang pahintulot sa mga nag-uusap. Para bang hindi naturuan ng salitang respeto at wala sa bokabularyo ang excuse me. Parang bigla nalang dudura ng bubblegum sa direksyon ng mga taong dumadaan sa kalsada. Kung tutuusin, ang dapat sinisisi sa mga ganyan, e yung mga magulang dahil hindi sila nagbigay ng tamang pagdidisiplina sa mga anak nila.
Anyway, si Rafi ang tipo ng tao na kahit hindi na sya kinakausap, meron pa rin siyang sinasabi. Minsan related naman sa tanong na binato mo sa kanya. Pero kadalasan, pinahahaba nya lang ang sagot na oo at hindi. Kahit na wala na sya sa sirkulasyon, hindi mo sya mapipigilan na magbigay ng point of view. Mahilig din siyang sumabat lalo na kapag may idea sya sa topic, kesehodang ito ay work-related o hindi. Basta naiintindihan nya ang lenguwahe na ginagamit ng mga naguusap, hindi nya papalagpasing umeksena na para bang simula palang ng kwentuhan, parte na sya ng usapan.
So kanina, habang naguusap ang Purchaser at Storekeeper namin, hindi napigilan ni Rafi ang naguumusbong na idea nya at bigla nalang siyang nakisawsaw. Gamit ang boses na pang-rally, nagbigay sya ng hindi inaasahang saloobin, to which, hindi binigyan ng pansin ng kahit sinuman sa naguusap hanggang tinawag ang mga ito ni Rafi.
And I quote, Yes, Rafi. Are you talk to us because we not talk to you.”
 
Storekeeper & Purchaser – 1
Rafi – 0

 

Si Rafi rin  pala yung mahilig bumahing na hindi marunong magtakip ng bibig kaya yung katabi nyang si Hameed, parang isang virus nalang ang kailangan, magiging bedridden na siya.

Dalawang Pangungusap (A Writing Prompt)

Giliw ko, huwag mong isaboy ang iyong ihi sa aking mukha.

Huwag mo akong hayaang lumayo nang nakatungo;

Tirhan mo sana ako ng kaunting dignidad.

Maari mo bang ipaintindi kung bakit kailangan mo akong hiyain,

Hindi pa ba sapat ang pagtaboy na ipinararamdam mo sa akin?

Giliw ko, huwag mo sana itong gawin.

Isa lang naman ang aking hiling,

Mayroon namang inidoro na abot ng iyong tingin,

Doon nalang giliw ko, huwag naman sa akin.

Di ba madalas mong marinig ang “Expect the unexpected”? Pero tao ka lang. Hindi sa lahat ng panahon handa ka sa mga kaganapan sa paligid. Bakit, kung dudura ba ang makakasalubong mo, malalaman mo ba kung saan iyon tatama? Sigurado ka bang masasagasaan ka? Sigurado ka bang hindi? Maraming mga bagay na mangyayari na hindi mo inaasahan at hindi ka makakawala sa loop. Wala kang magagawa. Katulad ngayon, mainit dito sa bus kahit full blast ang AC.